Poon, puno ng buhay Ka

C159 CB198 E198 G198 K159 P99 R146 T198
1
Poon, puno ng buhay Ka,
Panustos-buhay nga;
Iyong bunga’y puspos ng buhay,
Pagkain kong tunay.
2
Mak’langit na punong-ubas,
Tustos sa Iyo buhat;
Sa Iyo namuhay, nanahan,
May kapahingahan.
3
Poon, punong mansanas Ka,
Aming tamasa Ka;
Iyong bunga’y may katamisan,
Lilim Mo’y natikman.
4
Puno ng pagpapagaling,
Namatay para sa ’min;
Para sa amin ’binitin,
Nang kami’y mapagaling.
5
Sanga ng Diyos Ikaw na nga,
Tahan kapuspusan;
Sa Iyo, Diyos aming biyaya,
At katot’hanan nga.
6
Poon, Sanga ni David Ka,
Nagkat’wang-tao nga;
Ang tunay na pagka-tao,
Sa Iyo ’ming natanto.
7
Tungkod na umusbong ng Diyos,
Sa buhay pumuspos;
Kamatayan di madaig,
Pagkabuhay-muli.
8
Kami’y “bakal”, lumubog na,
Patpat, lumutang Ka;
Sa nangibabaw Mong buhay,
Sa kam’tayan naligtas.
9
“Pun
ò ng Kabantugan” Ka,
Mayaman kong tamasa;
Nang amin Kang ginunita,
Ika’y ideklara!