Nag-atas kay Noe gumawa ng arka ay Diyos

Cs537 E1268 T1268
1
Nag-atas kay Noe gumawa ng arka ay Diyos,
Maraming nagmasid di dininig salita niya,
Nguni’t si Noe’y nakinig at sumunod sa Diyos;
Nagtayo ng arka, araw di niya inaksaya.
 
Patotoo ni Hesus ating makikita
Sa mga ekklesia nagtatayo ng arka.
2
Henerasyon masama at liko noon pa man,
Sa lupa kalikuan pasama nang pasama,
Lumaban si Noe, pangitain hinawakan,
Arka’y dapat na itayo anuman halaga.
3
Mga tao noon sabi’y sa Diyos sumasamba,
Naglingkod, naghain sila nguni’t kakaiba,
Ang mismong naisin ng Diyos nilibak, kinutya.
Puso nila’y sa mundo at sa dyablo tinakda.
4
Arka nang mayari sumakay walong kalulwa,
Pinto ay sinara ng Diyos, langit ay binuksan
Upang ulan ibuhos at ang lupa’y bumaha,
Hindii nabahala si Noe sa kaligtasan.
5
Noon sa lupa arka ay patotoo ng Diyos,
Kailangan Niyang pagtatayo upang Siya’y mahayag,
Sama-samang tao liwanag Niya’y magsisilay,
Ngayon sa ekklesia lokal nga Diyos nahahayag.
6
Sa panahon ngayon mag-ingat baka malayo
Sa naisin ng puso at patotoo ng Diyos,
Maging maningas  puso para sa ekklesia
Iwanan ang mundo mag-alay tayo sa Kanya.