Sa bawa’t lunsod, iyong masdan

CB1257 Cs514 E1257 G1257 R586 T1257
1
Sa bawa’t lunsod, iyong masdan,
Patungan-ng-ilawan;
Mga banal nagtitipon,
Diyos may pahinga roon.
 
Hinirang ng Diyos—lokal na ekklesia,
Mga banal nagkaisa!
Hinirang ng Diyos—lokal na ekklesia,
Mga banal nagkaisa!
2
Masdan mo ang pagpupulong,
Tinig ay umuugong!
Lahat nagsasalamuha,
Kristo’y dinadakila!
3
Dinggin ang basa-dalangin,
Salita ay pagkain;
Ka’nin, inumin, purihin,
Si Kristo’y tamasahin.
4
Ngalang “Panginoong Hesus,”
Mahal nila nang lubos!
Habang ngala’y tinatawag,
Higit pang nagagalak.
5
Dinggin mo ang “Aleluya!”
Lakas ng kulog nila!
Aleluya! Aleluya!
Kaaway’y napatumba!
6
Masdan, sila’y dumadayo,
Ekklesia’y ’tinatayo;
Bayan, lunsod, may ekklesia,
Si Kristo’y sasapit na!
7
Masdan sa mga ekklesia,
Si Kristo’y naghahanda
Ng mahal Niyang Kasintahan
Na Kanyang babalikan.
 
Walang dungis, ekklesiang mal’walhati,
Puspos ng luwalhati!
Walang an’mang kulubot, kapintasan,
Ekklesiang Kasintahan!