Sa mainam na buhay-ekklesia tayo’y dinala

CB1237 Cs712 D1237 E1237 F157 G1237 LSM251 P396 R381 S379 T1237
1
Sa mainam na buhay-ekklesia tayo’y dinala
Maranasan ang Kristo sa hardin Niya
Kaisa mga banal Niyang mayaman Siyang tamasa
Siya’y mahal, bago, laan, at sariwa.
 
Masaya ‘ko, hardin kay ganda
Lumalago sa biyaya Niya
Walang lugod liban kainin puno ng buhay
At inumin ko ang tubig ng buhay.
2
Di paaralan o pabrika o isang kapilya
Kundi hardin tatamnan ng Pangino’n
Pinagsama Niya tayong lahat maging hardin Niya
Na pagyamanin, palaguin Niya.
3
May punong namumunga sa buhay-ekklesiang hardin,
Puspos ng buhay at laang makain
Kainin lamang ang puno, konsepto ay alisin
Kay tamis laging si Hesus kainin.
4
Sa puno’y may tubig, agos Diyos sa atin kay Kristo
Pawi kawalang-sigla, sikap wakas
Aleluya! Sa hardin Niya agos sa atin Hesus
Sa paglago sa buhay buong tustos.
5
Nasiyahan, nagpasalamat ka ba sa Panginoon
Dinala ka sa lugod at yaman Niya
Kaya magsaya’t magpista sa Kanya sa espiritu
Nang hardin ng Diyos saganang mamunga.