Hilagang tirahan ng Diyos
Hilagang tirahan ng Diyos
1
|
Hilagang tirahan ng Diyos Bagyong malakas galing Espiritung umiihip Tayong lahat siniil. Pinukaw pundasyon natin— Hangin tayo’y ginising! Pagtuos ng Diyos tanggapin Ulap bababa sa ‘tin. |
2
|
Nasa ulap presensya Niya, Kay tamis pag-aligid, Kulong ng Kanyang paglapit; Sa Poon pananalig. Nguni’t ulap dala’y apoy Pitang sakim sunugin; Bilang naging mga abo Mas mataas abutin. |
3
|
Mula sa kisap ng apoy Elektrum nagniningning Gintong-Diyos, pilak na tao Anong gandang paghalo. Metal na maningning Ka Diyos-Korderong dakila Nawa’y electrum sa amin Sumilay at gumawa. |
4
|
Mga buhay na nilikha Tayong isa sa Kanya Ihayag buhay ni Hesus Maranasan natin Siya. Danasin Siya bilang tao, Taong kay buti, pino; Balanse, normal, payapa. Taong ganap, dibino. |
5
|
Bilang leon ihayag Siya Talunin ang kaaway; Bakang masunurin tapat; Sa Kanyang ministeryo. Bilang agilang kay taas Ihayag natin Si-ya, H’wag matakot o matuya Lahat ililipad Niya. |
6
|
Aleluya! Mula hangin, Ulap, apoy, electrum, Diyos ginamit ang sagisag Sa nilikha ay glorya.. Bilang tao, baka’t leon, Agila—lahat apat Ganap nating kahayagan Sa pagkain sa Kanya. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?