Layunin ng Diyos sa sansinukob ay nasa tao

CB1199 Cs448 D1199 E1199 G1199 LSM209 R449 T1199
1
Layunin ng Diyos sa sansinukob ay nasa tao,
Upang maihalo sa tao Siya’y naging ’Spiritu.
Sa ekonomiya Niya’y makakabahagi tayo.
Daa’y paghahalo.
 
Paghahalo, aleluya,
Paghahalo, aleluya,
Paghahalo, aleluya,
Daa’y paghahalo!
2
Sa sentro ng tao, lumalagpas sa kaisipan,
Damdamin, kapasyahan, Panginoo’y may kalagyan
Sa Kanyang pagdaloy, pagbaha pupun’an Niya tayo;
Daa’y paghahalo.
3
Sa pagbabawi ng Pangino’n daa’y natagpuan,
Upang Tres-unong Diyos mai-pamuhay at maranasan -
Pumasok, manatili sa pinaghalong ’spiritu;
Daa’y paghahalo.
4
Sa gitna ng pitong gintong patungan-ng-ilawan;
May Anak ng Tao para sa pagbabawi ng Diyos.
Sama-samang entidad naibuo Niya nang husto,
Daa’y paghahalo.
5
Sa ating pang-araw-araw na buhay, at gawain
Dapat higit ang paghahalo upang Kristo’y kamtin;
’Binibigay namin ang sarili sa paghahalo.
Daa’y paghahalo.
6
Buhay pang-araw-araw bunga’y Herusalem bago,
Sukdulang paghahalo—’to’y dibinong pagka-tao.
Anong galak na sama-samang kabahagi tayo.
Daa’y paghahalo.