1
Kainin natin ang tinapay:
Purihin Siya at tayo’y isa,
Sa pagkain ay tinataglay
Pagkakaisa ng ekklesia.
Purihin Siya at tayo’y isa,
Sa pagkain ay tinataglay
Pagkakaisa ng ekklesia.
Tinapay kanin mga banal!
Inuman din ang saro.
Pagkaisa sa lupang lokal,
Ipakitang totoo!
Inuman din ang saro.
Pagkaisa sa lupang lokal,
Ipakitang totoo!
2
Inuman na natin ang saro:
Tinubos upang maging isa,
Binili na ng Kanyang dugo -
Natupad na ang layunin Niya.
Tinubos upang maging isa,
Binili na ng Kanyang dugo -
Natupad na ang layunin Niya.
3
Iisa lang ang bayan ng Diyos;
Hindi mga butil na kalat -
Pinaghalo’t isinaayos
Isa sa bawa’t lokalidad.
Hindi mga butil na kalat -
Pinaghalo’t isinaayos
Isa sa bawa’t lokalidad.
4
Ipahayag na tayo’y isa;
At hindi lamang sa salita.
Ang buhay nati’y nagkaisa
Ang Diyos ang may sanhi’t may gawa.
At hindi lamang sa salita.
Ang buhay nati’y nagkaisa
Ang Diyos ang may sanhi’t may gawa.
5
Kainin natin ang tinapay:
Purihin Siya at tayo’y isa.
Sa pagkain ay tinataglay
Pagkakaisa ng ekklesia.
Purihin Siya at tayo’y isa.
Sa pagkain ay tinataglay
Pagkakaisa ng ekklesia.
(Huwag nang ulitin ang koro pagkatapos ng huling saknong)
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?