Kainin natin ang tinapay

CB1108 Cs621 E1108 G1108 K982 R174 S106 T1108
1
Kainin natin ang tinapay:
Purihin Siya at tayo'y isa,
Sa pagkain ay tinataglay
Pagkakaisa ng ekklesia.
 
Tinapay kanin mga banal!
Inuman din ang saro.
Pagkaisa sa lupang lokal,
Ipakitang totoo!
2
Inuman na natin ang saro:
Tinubos upang maging isa,
Binili na ng Kanyang dugo -
Natupad na ang layunin Niya.
3
Iisa lang ang bayan ng Diyos;
Hindi mga butil na kalat -
Pinaghalo't isinaayos
Isa sa bawa't lokalidad.
4
Ipahayag na tayo'y isa;
At hindi lamang sa salita.
Ang buhay nati'y nagkaisa
Ang Diyos ang may sanhi't may gawa.
5
Kainin natin ang tinapay:
Purihin Siya at tayo'y isa.
Sa pagkain ay tinataglay
Pagkakaisa ng ekklesia.
(Huwag nang ulitin ang koro pagkatapos ng huling saknong)