Kung mundo’y matamo’t walang Kristo

C700 CB1079 E1079 G1079 K700 R784 T1079
1
Kung mundo’y matamo’t walang Kristo,
Sulit bang mamuhay nang minsan?
Aliw at pahinga sa puso ko
Sa mundo kaya matagpuan?
Kung mundo’y matamo’t walang Kristo,
Sulit ba’ng pinagsikapan mo?
Maihambing ba’ng layaw ng mundo
Sansaglit na pun
ô ng Kristo?
2
Kung puspos ng pag-ibig at yaman,
Iginagalang ang pangalan,
Nguni’t walang asa’t panganlungan,
Pag nabagbag sa bagyo’t ulan;
Kung mundo’y matamo’t walang Kristo,
Siyang nagdusa sa krus, namatay,
Saan ako tatakbo sa mundo,
Nang sumilong sa aking lumbay?
3
O kahungkagan!—kung walang Kristo
Sa kasalanan ko at hirap!
Kawalang hanggan, kung walang Kristo,
Madilim, malungkot, masaklap!
Kahit walang Kristo kung nabuhay,
Paano naman pag namatay?
Sa kamatayan, walang alalay!
Walang hanggan ang paghiwalay!
4
Kay galak, mataglay ko si Kristo!
Siyang gamot sa nasawing puso!
Pinatawad ang kasalanan ko,
At lungkot ko’y Kanyang inako!
Kung ako’y may Kristo, Kristo lamang,
At walang iba pa sa mundo -
Sagot Niya ang lahat ng kailangan;
Akin ang lahat na kay Kristo.