Tawag ni Hesus pakinggan

E1029 T1029
1
Tawag ni Hesus pakinggan,
Ang mundong ito’y layuan.
Mga araw lilipas ba,
Nahihimbing ’king kalulwa?
 
Tumatawag pa Siya!
Siya’y pakinggan nawa!
Tumatawag si Kristo, parito tayo!
Tumatawag pa Siya!
Siya’y pakinggan nawa!
Tumatawag si Kristo, parito tayo!
2
Pagtawag Niya’y tugunin ba?
Di-alintana tinig Niya?
Di ko suklian buti Niya?
Dapat pa bang mag-antala?
3
Tumatawag, kumakatok,
Puso’y ipinid ko kaya?
Naghihintay Siya sa akin,
Siya ba’y aking ’pighatiin?
4
Si Kristo’y tumatawag pa.
O, dapat ay dinggin ko Siya!
Sa gapos ay nakalag na;
Ako’y di-bibiguin Niya!
5
Tinatawag nga Niya ako,
Kanya itong aking puso.
Kay Kristo magpakailanman,
O, mundo kita’y iiwan.