Tawag ni Hesus pakinggan
Tawag ni Hesus pakinggan
1
|
Tawag ni Hesus pakinggan, Ang mundong ito’y layuan. Mga araw lilipas ba, Nahihimbing ’king kalulwa? |
Tumatawag pa Siya! Siya’y pakinggan nawa! Tumatawag si Kristo, parito tayo! Tumatawag pa Siya! Siya’y pakinggan nawa! Tumatawag si Kristo, parito tayo! |
|
2
|
Pagtawag Niya’y tugunin ba? Di-alintana tinig Niya? Di ko suklian buti Niya? Dapat pa bang mag-antala? |
3
|
Tumatawag, kumakatok, Puso’y ipinid ko kaya? Naghihintay Siya sa akin, Siya ba’y aking ’pighatiin? |
4
|
Si Kristo’y tumatawag pa. O, dapat ay dinggin ko Siya! Sa gapos ay nakalag na; Ako’y di-bibiguin Niya! |
5
|
Tinatawag nga Niya ako, Kanya itong aking puso. Kay Kristo magpakailanman, O, mundo kita’y iiwan. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?