Silbi’y para sa Ekklesia

C658 CB914 E914 G914 K658 P427 R657 S412 T914
1
Silbi’y para sa Ekklesia;
Ang sakdal Niyang layunin;
’To’y tanging daan ng gawa,
Dapat nating tahakin.
 
Silbi’y para sa Ekklesia
Di sariling layunin
Layon ng Diyos, ligaya Niya
Dapat nga nating sundin.
2
Ekklesia’y sisidlan ng Diyos,
Walang hanggang layon Niya;
Lahat ng pagsilbi’y lubos,
Pagtayo ng Ekklesia.
3
Kaloob bigay ng Ulo,
Para nga sa Katawan;
Tutulong sa pagtatayo,
Matanghal kapuspusan.
4
Para sa Kat’wan ni Kristo;
Lakas ng Espiritu;
Mga pangsyon at kaloob,
Lahat ng ministeryo.
5
Paghayag ng Ebanghelyo,
Paglingkod ng pagturo;
Lahat ng uring serbisyo,
Ay sa Kat’wan ni Kristo.
 
6a Para sa mga Ekklesia,
Gawaing ministeryo;
Hindi ang mga Ekklesia,
Para sa ministeryo.
 
6b Patungang-ilawang ginto,
Ang lahat ng Ekklesia;
Kahit aling ministeryo,
Hindi nga ang Ekklesia.
7
Mapanatili sa gayon,
Pagkai-sa sa Ekklesia;
Wala nang denominasyon,
Motibo’y kas’ya-siya.
8
Para sa Ekklesia nawa,
Aming buhay, pagpagal;
Iligtas sa sektang gawa,
Iyong pagtayo’y itanghal.