Gawa’y pag-apaw ng buhay

C655 CB910 E910 G910 K655 R336 S408 T910
1
Gawa’y pag-apaw ng buhay,
Dapat ding pamumuhay;
Pamumuhay, gawa’y isa,
Gawa’y magkakabunga.
Karanasang sinalita,
Mensaheng totoo nga;
Mensaheng may karanasan,
Sadyang may kalakasan.
2
Bunga ng buhay ang gawa,
Espiritu’y namunga;
Tulad ng ubas sa sanga,
Hayag buhay sagana.
O sa pamamagitan ko,
Gumagawa si Kristo.
Upang yaman ng buhay Niya,
Sa ’kin maihayag nga.
3
Di tao ang umaakto,
Kundi ang Espiritu;
Di labas ang gumagawa,
Kundi ang nasa lo’b nga.
Di ’sang uring hanapbuhay,
Kundi Diyos ipamuhay.
Di pagpagal nang magwagi,
Kundi ’hayag Siyang lagi.
4
Aking balak, gol, pag’pagal,
Lahat dapat matanggal;
Nang Siya’y makagawa sa ’kin,
Layunin Niya’y tuparin.
Tangkilik ko at ako man,
Lagak sa kamatayan.
Nang sa akin mamuhay Siya,
Hayag yama’t rilag Niya.