Ekklesia’y Kanyang sisidlan
Ekklesia’y Kanyang sisidlan
1
|
Ekklesia’y Kanyang sisidlan, Maging Kanyang kahayagan, Gaya’y katawan sa tao Tao’y hinahayag nito. |
2
|
Gaya ng templo sa kaban, Lunan ng kapahingahan; Ekklesia’y Kanyang tirahan, Si Kristo ang nilalaman. |
3
|
Hiwaga ng Diyos si Kristo, Paliwanag ng Diyos Mismo; Ekklesia ay hiwaga Niya, Hinayag, ’sinalita Siya. |
4
|
Mga sangkap ng Katawan, Dati-rati’y lupa lamang; Muling-’sinilang, ’transporma, Naging batong mahalaga. |
5
|
Sa transpormasyon, na’tayo, Sisidlan para kay Kristo; Nilagyan yaman ni Kristo Lahat Niya’y hayag sa tao. |
6
|
Tres-unong Diyos nagtulungan, Transpormasyon magampanan, Ekklesia’y naging sisidlan Herusalem Niyang tirahan. |
7
|
Kay halaga ng Ekklesia, Bawa’t panig malinaw siya Pinunan ng yaman ng Diyos Nang maisilay Siyang lubos. |
8
|
Diyos ang ilaw, Kristo’y buhay, Espiritu’y daloy buhay; Sa Kanya’y may-kahayagan Diyos, hanggan sa walang hanggan. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?