1
Si Kristo’y hiwaga ng Diyos,
Diyos, di-makita, di-hayag;
Wangis Niya’y di pa nakita,
Kristong Anak ang nagbunyag.
Diyos, di-makita, di-hayag;
Wangis Niya’y di pa nakita,
Kristong Anak ang nagbunyag.
2
Siya’y Salita mismo ng Diyos,
Paliwanag ng Diyos tunay;
Pagsasakatawan ng Diyos,
At wangis ng Diyos nasilay.
Paliwanag ng Diyos tunay;
Pagsasakatawan ng Diyos,
At wangis ng Diyos nasilay.
3
Wangis ng Diyos di-makita,
Sinag kay inam ng gloria;
Kapuspusan nasa Kanya,
Patotoo ng Diyos dala.
Sinag kay inam ng gloria;
Kapuspusan nasa Kanya,
Patotoo ng Diyos dala.
4
Ang Ekklesia ay hiwaga,
Ni Kristo sa mga tao;
Di Siya makita ninuman,
Sa Ekklesia Siya’y natanto.
Ni Kristo sa mga tao;
Di Siya makita ninuman,
Sa Ekklesia Siya’y natanto.
5
Ekklesia’y kahayagan Niya,
Kristo sa kanya’y nanahan;
Siya’y kopyang tunay ni Kristo,
Kristo sa kanya’y namasdan.
Kristo sa kanya’y nanahan;
Siya’y kopyang tunay ni Kristo,
Kristo sa kanya’y namasdan.
6
Wangis ni Kristo’y taglay niya,
Pagdami’t paglawak din siya;
Kristo nakita sa kanya,
Kristo’y Ulo, Katawan siya.
Pagdami’t paglawak din siya;
Kristo nakita sa kanya,
Kristo’y Ulo, Katawan siya.
7
Ang Ama ay nasa Anak,
Ang Anak ay Espiritu;
’Spiritu ng Tres-unong Diyos,
Sa Ekklesia naihalo.
Ang Anak ay Espiritu;
’Spiritu ng Tres-unong Diyos,
Sa Ekklesia naihalo.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?