Tao’y di lang nabubuhay

C589 CB814 E814 F146 G814 K589 R530 S346 T814
1
Tao’y di lang nabubuhay
Sa pagkain ng tinapay,
Kundi sa Salita ng Diyos,
Na siyang tunay nating buhay.
2
Tayo ay mayr’ong katawan,
Kaluluwa’t espiritu;
’Spiritu’y pinakaloob,
Upang ang Diyos ay mahipo.
3
Kailangan nga ng katawan,
Ay pagkain na panlupa,
Kailangan din ng ’spiritu
Iyong Sarili, Iyong Salita.
4
’Spiritu Ka’t Salita Mo,
Naghayag sa Sarili Mo,
Sarili Mo’y Espiritu,
Sa ’spiritu ko’y matamo.
5
Nang matanggap Iyong Salita,
’Di lang basahin ng mata,
Ni sa isip maunawa,
Bagkus ’spiritu’y gumana.
6
Ang Salita ay kainin
At tanggapin sa ’spiritu,
Natanto ay idalangin
Ensayuhin espiritu.
7
Ang Salitang nasa isip
Ay kaalamang pabigat,
Nguni’t buhay at ’spiritu
Kung sa ’spiritu nalapat.
8
Tangi kung ang espiritu
Ay tatanggap ng Salita,
Salita Mo ay kakanin,
Sa panloob mahipo Ka.
9
Sa pagbasa ng Salita,
Turuan Mong sanayin ko
Aking ’spiritu, Pangino’n,
Nang ako’y matustusan Mo.