Kay hiwaga, Ama, Anak, ’Spiritu

B365 C447 CB608 D608 E608 F124 G608 K447 P314 R443 S287 T608
1
Kay hiwaga, Ama, Anak, ’Spiritu,
Tatlong substansya nguni’t iisa;
Kay l’walhati, Siya’y sa atin pumasok
Upang maging lahat sa atin Siya.
Tres-unong Diyos naging lahat sa ’tin,
Kay l’walhati at kay taas!
Handog ng Diyos di natin masaid!
Kahanga-hanga’t kay wagas!
2
Bukal ng yaman sa Ama nanggaling,
Nais Niya na ating tamasahin!
Anong biyaya, kay yamang bahagi,
Walang hanggang mapapasaatin!
3
Anak naman, Siya’y kahayagan ng Diyos,
Naging laman sa lupa tumahan;
Pagtutubos, bisa nito’y kay sakdal,
Kaisahan sa Diyos ’ting nakamtan!
4
Espiritu ay pagbabagong-anyo
Ng Diyos Anak bilang ating tustos;
Sa espiritu natin Siya’y pumasok,
Nakiugnay sa atin nang lubos.
5
Tunay nga, Diyos ngayo’y ang Espiritu;
Sa tuwina’y mararanasan Siya!
Ang Diyos ating kaisang espiritu,
Sa buhay ’y walang pagkakaiba!