1
Kay hiwaga, Ama, Anak, 'Spiritu,
Tatlong substansya nguni't iisa;
Kay l'walhati, Siya'y sa atin pumasok
Upang maging lahat sa atin Siya.
Tres-unong Diyos naging lahat sa 'tin,
Kay l'walhati at kay taas!
Handog ng Diyos di natin masaid!
Kahanga-hanga't kay wagas!
Tatlong substansya nguni't iisa;
Kay l'walhati, Siya'y sa atin pumasok
Upang maging lahat sa atin Siya.
Tres-unong Diyos naging lahat sa 'tin,
Kay l'walhati at kay taas!
Handog ng Diyos di natin masaid!
Kahanga-hanga't kay wagas!
2
Bukal ng yaman sa Ama nanggaling,
Nais Niya na ating tamasahin!
Anong biyaya, kay yamang bahagi,
Walang hanggang mapapasaatin!
Nais Niya na ating tamasahin!
Anong biyaya, kay yamang bahagi,
Walang hanggang mapapasaatin!
3
Anak naman, Siya'y kahayagan ng Diyos,
Naging laman sa lupa tumahan;
Pagtutubos, bisa nito'y kay sakdal,
Kaisahan sa Diyos 'ting nakamtan!
Naging laman sa lupa tumahan;
Pagtutubos, bisa nito'y kay sakdal,
Kaisahan sa Diyos 'ting nakamtan!
4
Espiritu ay pagbabagong-anyo
Ng Diyos Anak bilang ating tustos;
Sa espiritu natin Siya'y pumasok,
Nakiugnay sa atin nang lubos.
Ng Diyos Anak bilang ating tustos;
Sa espiritu natin Siya'y pumasok,
Nakiugnay sa atin nang lubos.
5
Tunay nga, Diyos ngayo'y ang Espiritu;
Sa tuwina'y mararanasan Siya!
Ang Diyos ating kaisang espiritu,
Sa buhay 'y walang pagkakaiba!
Sa tuwina'y mararanasan Siya!
Ang Diyos ating kaisang espiritu,
Sa buhay 'y walang pagkakaiba!
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?