Si Kristo ang aking lahat
Si Kristo ang aking lahat
1
|
Si Kristo ang aking lahat, Buhay at taguyod. Aking lakas; kung wala Siya Ako’y matitisod. Kung may lumbay, Siya’y lapitan, Si Hesus ang kagalakan. Aliw sa ’king kalooban; Kaibigan! |
2
|
Si Kristo ang aking lahat, Tulong sa pagsubok, Nagpapala, nag-’alaga, Laging kumukupkop. Ula’t, araw padala Niya, Ani’t tustos masagana, Gintong palay, Kanyang bigay; Kaibigan! |
3
|
Si Kristo ang aking lahat, Tagapagbiyaya; Sa Kanya ’ko’y maging tapat, Di ko Siya matatwa. Sundin ko Siya, panay wasto, Binantayan akong husto, Araw-gabi, sundin ko Siya, Kaibigan! |
4
|
Si Kristo ang aking lahat, Wala Siyang kapantay, Nais ko Siyang makaugnay, ’Di na mawawalay. Kay inam ng aking buhay, Kaibigang napakahusay, Walang hanggan kong kaakbay, Kaibigan! |
1
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?
O Panginoong Hesus! Pinupuri kita simula't sapol hangang ngayon at bukas Ikaw ay ang aking lahat sa lahat ni walang kapantay.