Ang himnong ito ay isinulat ng may-akda nang bagung-bago pa lamang

B233 C308 CB405 E405 G405 K308 R288 S178 T405
 
Ang himnong ito ay isinulat ng may-akda nang bagung-bago pa lamang
siyang nakakita. Siya ay isinilang na bulag.
1
Nang makita mundong rilag,
Nais muling mabulag;
Baka mahal Niyang Presensya,
Sa akin mawala pa.
 
Nang makita mundong rilag,
Nais muling mabulag;
Baka mahal Niyang Presensya,
Sa akin mawala pa.
2
Bukang-liwayway at buwan,
Sa paraiso tingnan;
Sa lupa may Kanyang habag,
Sa ’kin makasasapat.
3
Sa tinik ayaw lumaya,
Dagdagan lamang b’yaya,
Nasa l’ob ng tabing ako,
Silayan ng glorya Mo.
4
Ganda Niya’y aking nakita,
Sa pa’nampalataya;
Mal’walhati Kanyang mukha,
Bagama’t Siya’y minata.
5
Araw at b’wan di ma’hambing,
Maging sansinukob din;
Sa l’walhating sumisilay
Sa ulong nabayubay.