O Panginoon pabanalin mo kami

1
O Panginoon pabanalin mo kami,
Persona Mo’y dagdag, ipahid sa amin,
Tunay pagdanas, ekklesia’y mal’walhati,
Sa ‘min dagdag Iyong Sarili.
  Panginoon pabanalin;
Ikaw lamang tanging daan.
Persona Mo’y kunin;
Sarili’y ipahid,
Panginoon pabanalin.
2
Sa Iyong pagsalita puso’y dalisayin;
Buhay Mong salita maghugas sa amin.
Damihan salita at kami’y linisin,
Panginoon dalisayin.
Panginoon dalisayin;
Ng salitang naghuhugas
Ng buhay na likas
Kami’y lwalhatiin,
Magsalita Ka sa amin.
3
Pagkain Kang kailangan naming kainin;
Sa pagkain sa Iyo kami’y transpormahin;
Lubos kasiyahan ‘pag Ikaw kinain,
Kaya, kami’y pakainin.
Panginoon pakainin
Hindi lamang dalisayin
Ng Iyong paghuhugas,
Mapuno’t masiyahan;
Panginoon, pakainin.
4
Habang kumakain kandiliin kami
Giliwing mainit tugunan kailangan.
Mapalambot, hanggang maging sa Iyo kami;
Panginoon, kandiliin.
Panginoon, kandiliin,
Panlalamig Iyong alisin.
Hawakang malapit
Giliwan kandili;
Panginoon, kandiliin.
5
Panloob Mong gawa kami’y lwalhatiin,
Para sa ekklesia at hindi sa amin;
Iyong Nobya’y matamo matapos hanapin,
Poon, gumawa Ka sa ‘min.
  Poon gumawa sa amin!
Mabuo Mo Iyong ekklesia.
Mal’walhating daan;
Magpahid sa amin;
Poon, kami’y lwalhatiin.