Saan sisimulan namin
Saan sisimulan namin
1
|
Saan sisimulan namin, Iyong pagpapala’y banggitin? ’Di na alipin ng sala, Sa kam’tayan napalaya. Pa’no Kitang sasambahin Papurihan ng awitin? |
2
|
Ibinigay Mong payapa, Paanong mailuluwa? Tungong kapahamakan no’n Anak ng Diyos, ligtas ngayon! Lahat kong sala’y hugas na, Tamasa ay pagpapala. |
3
|
Puso nami’y puno’ng Kristo, Asang sagana’y ibubo! Paksa Ka ng aking himno, Mahal na Panginoon ko. Libong dila aawitan, Gloryang Haring walang hanggan. |
4
|
Higit sa tanang may buhay, Sa karilagan Iyong taglay; Mga pagsinta at biyaya, Bagama’t Ika’y nagdusa. Diyos na dapat papurihan, Samb’hin sa katotohanan. |
(Ang Tagalog ay isinalin mula sa Intsik na may apat na saknong) |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?