1
Saan sisimulan namin,
Iyong pagpapala'y banggitin?
'Di na alipin ng sala,
Sa kam'tayan napalaya.
Pa'no Kitang sasambahin
Papurihan ng awitin?
Iyong pagpapala'y banggitin?
'Di na alipin ng sala,
Sa kam'tayan napalaya.
Pa'no Kitang sasambahin
Papurihan ng awitin?
2
Ibinigay Mong payapa,
Paanong mailuluwa?
Tungong kapahamakan no'n
Anak ng Diyos, ligtas ngayon!
Lahat kong sala'y hugas na,
Tamasa ay pagpapala.
Paanong mailuluwa?
Tungong kapahamakan no'n
Anak ng Diyos, ligtas ngayon!
Lahat kong sala'y hugas na,
Tamasa ay pagpapala.
3
Puso nami'y puno'ng Kristo,
Asang sagana'y ibubo!
Paksa Ka ng aking himno,
Mahal na Panginoon ko.
Libong dila aawitan,
Gloryang Haring walang hanggan.
Asang sagana'y ibubo!
Paksa Ka ng aking himno,
Mahal na Panginoon ko.
Libong dila aawitan,
Gloryang Haring walang hanggan.
4
Higit sa tanang may buhay,
Sa karilagan Iyong taglay;
Mga pagsinta at biyaya,
Bagama't Ika'y nagdusa.
Diyos na dapat papurihan,
Samb'hin sa katotohanan.
Sa karilagan Iyong taglay;
Mga pagsinta at biyaya,
Bagama't Ika'y nagdusa.
Diyos na dapat papurihan,
Samb'hin sa katotohanan.
(Ang Tagalog ay isinalin mula sa Intsik na may apat na saknong)
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?