May bukal ng dugong banal

C686 CB1006 E1006 G1006 K686 P446 R168 S469 T1006
1
May bukal ng dugong banal
Kay Hesus nagmula;
Maysalang doo’y sisisid,
Mawawala ang bahid:
Mawawala ang bahid,
Mawawala ang bahid;
Maysalang doo’y sisisid,
Mawawala ang bahid.
2
Ang magnanakaw nasa krus
Nakita ang bisa;
Sala kong mas marami man
Pawang mahuhugasan:
Pawang mahuhugasan,
Pawang mahuhugasan;
Sala kong mas marami man,
Pawang mahuhugasan.
3
Di-magmamaliw ang bisa
Dugo ng Kordero,
Hangga’t ang mga tinubos
Maliligtas nang lubos:
Maliligtas nang lubos,
Maliligtas nang lubos;
Hangga’t ang mga tinubos,
Maliligtas nang lubos.
4
Mula nang aking makita
Ang Iyong pagdurusa,
Mapanubos na pagsinta,
Kita’y pupurihin pa:
Kita’y pupurihin pa,
Kita’y pupurihin pa;
Mapanubos na pagsinta,
Kita’y pupurihin pa.
5
Kapag puso’y nanahimik,
Pati dila’t bibig,
Sa pagkabuhay aawit,
Pag-ibig Mo’y sumagip:
Pag-ibig Mo’y sumagip,
Pag-ibig Mo’y sumagip;
Sa pagkabuhay aawit,
Pag-ibig Mo’y sumagip.