Nang mapuno ng papuri ang langit

C672 E987 K672 P441 T987
1
Nang mapuno ng papuri ang langit,
Nang ang sala ay lubhang maitim,
Si Hesus ay isinilang ng birhen—
Namuhay Siya, tularan sa akin!
 
Nam'hay, umibig; Nam'tay, nagsagip;
Nalibing, nag-alis ng kas'lanan!
Bumangon, nagbigay ng katuwiran:
Siya'y babalik—O kaluwalhatian!
2
Nang Siya'y dalhin sa bundok ng Kalbaryo,
Namatay nang ipako sa puno;
Tinanggihan, hinamak, ininsulto;
Sala'y dala ng Manunubos ko.
3
Nang sa hardin, kanilang iniwan Siya
Humimlay, Siya sa dusa'y lumaya;
Mga anghel nagbantay sa libingan;
Pag-asa ng walang maasahan.
4
Nang hindi na makubli ng libingan,
Nang maalis ang batong pangharang;
Bumangon Siyang gupo ang kamatayan;
Sumalangit, Poon kailan pa man.
 
5Pagbalik Niya'y tutunog ang trumpeta
Glorya Niya sa langit makikita,
Mga minamahal ko ay dadalhin,
Manliligtas, si Hesus ay akin!