Palayain ang espiritu ko
Palayain ang espiritu ko
1
|
Palayain ang espiritu ko, Maitugma sa lahat ng banal; Sa hangarin at pagtatayo Mo, Sariling paraan ko'y matanggal. |
2
|
Espiritu ko, Iyong palayain, Malaong ako'y nasa sarili; Maging bukas ang aking hangarin, Iyong iligtas nang di magsarili. |
3
|
Palayain ang espiritu ko, Sa sarili'y ganap na lumabas; Sa 'kin dumaloy Iyong Espiritu, At Iyong presensiya ay mapagmalas. |
4
|
Palayain ang espiritu ko, Sa pag-iisa ko, 'ko'y iwalay, Nang di manatiling dukha ako, Ang yaman Mo'y sa akin ibigay. |
5
|
Palayain ang espiritu ko, Sarili ko'y di na ikukulong; Kay Satanas di na patatalo, Sa kawalang-hanggang 'ko'y susulong. |
6
|
Palayain ang espiritu ko, Espiritu ko'y di mahadlangan; Sa Iyong buhay ako'y makahalo, Lahat Mo'y maging katamasahan. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?