Poon, Batong-panulok Ka

C602 CB834 E834* G834 K602 P379 R565 T834
1
Poon, Batong-panulok Ka
Hudyo Ika'y minata.
Ngun't sa pagkabuhay nga,
Diyos sa Iyo'y nagtalaga.
Sa Iyo, kaligtasa'y amin,
Kami'y naitayo rin
Hudyo't Hentil Bagong Tao
Tunay na tahanan Mo.
2
Ikaw ri'y Batong pinalo,
Lutas uhaw ng tao
Maging pag-asa ng tao
Bahay ng Diyos ma'tayo.
Ang Pundasyong Bato ng Sion,
Subok, Matatag Poon,
Batong suhay sa ekklesia.
Tangi ngang pundasyon niya.
3
Ekklesia sa Iyo'y natayo,
Pinto ng Hades talo;
Dumanas ng hangi't ulan.
Higit ang katatagan
Awtoridad Mo'y taglay niya,
Magtali't magpalaya,
Tao'y dalhin sa kahar'an
Nang tam'hin kalayaan.
4
Batong-buhay ng buhay Ka,
Hirang minahalaga;
Nang maging buhay na bato.
Kalikasa'y gaya Mo
Maitayo, bilang templo
Makatahan Diyos dito,
Pagkasaserdoteng banal,
Hain Iyo'y ialay.
5
Anak Ka ni David, Kristo,
Tagatayo ng templo
Hari at Saserdote Ka,
Pagkatawag matupad
Bilang Hari 'Ka'y namuno,
Ng Diyos sundin ng tao;
Saserdote sa harap Niya
Tao'y dalhin sa Kanya
6
Awtoridad sa luklukan,
Hatid kapayapaan;
Salamuha'y may pag-agos,
Ng buhay na panustos.
Pagkahari't Saserdote,
Sa Iyo'y pinagsama;
Layunin ng Diyos natupad,
Tahanan Niya'y nahayag.
7
Ika'y Diyos na naging laman,
Diyos sa Iyo nananahan;
Diyos sa tao nanatili
Templo kang mal'walhati
Ekklesia ri'y paghahalo
Ng Mismong Diyos at tao;
Gayundin sa bawa't sangkap.
Balak ng Diyos matupad.
8
O, walang-hanggang Tahanan,
Lagi naming tirahan;
Sa loob Mo'y namumuhay,
Tamasa Iyong pagbantay.
Kami't Diyos nanahan sa Iyo,
Tunay naming santuaryo.
Ikaw ang presens'ya ng Diyos,
Pagsamba nami'y lubos.
9
Panulukang-bato Ka nga,
Pundasyon, Ekklesia
Ikaw ri'y Tagapagtayo,
Tahanan at Santuaryo.
Pinupuri't hina'ngaan,
Poon, sa kung ano Ka
Nawa kaming batong-buhay,
Sa Iyo matayong tunay.