Sa puso natin hinasik ang binhi ng buhay

Cs125 E1242 T1242
1
Sa puso natin hinasik ang binhi ng buhay
Nang puspos lumago maging kanyang kapareha
Binhi’y tubig kailangan di batas o ang porma
Binhing nagpapaloob ng lahat ay lalago!
 
Hesus ang binhi lamang!
Sa akin nanahan
Paglago Niya sa atin
ang binhi ay gugulang.
2
Magbubunga ng trigo ang paglago ni Kristo
Buhay sisibol, di pa ganap gawang dibino;
Di kailanman isang trigo makapaghahayag
May  bagong karanasan kapag butil naghalo.
 
Hesus ang binhi lamang;
trigo ay Hesus din!
Butil dapat maghalo
may bagong karanasan.
3
Di dapat paligtasin ang ‘sang butil ng trigo,
Sama-samang durugin, gilingin bawat butil
Hanggang ang trigo ay maging pagkaing nabuo
Upang naghalong banal mahubog sa Katawan.
 
Tanggapin ang paggiling
upang Kristo natin
Maihulma sa Katawan Niya
ang bawat butil.
4
Naging pagkain binhing tanim, trigong lumago
Sa bukid ng Diyos mga Kristiyano ay lalago;
Paglago’y para sa pagtatayo ng ekklesia,
Paghanap kapwa’y natapos ng may tahanan na.
 
Bukid para itayo
ang isang tahanan
Para sa Diyos at tao
magkaisang manahan.
5
Pagtatayo’y pilak, mahalagang bato, ginto,
Transpormasyong di masambit na init, pasakit
Di masyahan manatili na lamang pagkain
Kunin ang transpormasyon nang maging isang bato.
 
Maaanyo mahalagang
bato sa dusa;
Sa pagtatayo ng Diyos
mawangis sa layon Niya.
6
Mula sa ganap na paglago at transpormasyon
Isang payak, hiyas na perlas ang lumalabas.
Natanto sa kamatayan, binuo ng buhay
Bunga Nyang malwalhati ang ekklesia, ang Nobya.
 
Ang Nobyang magbibigay—
      lugod sa puso Niya
      Nais ang perlas na tapat,
      purong kapareha.
7
Paglago sa buhay nagsimula nang tinanim
Binhing lumago, trigong giniling na pagkain,
Pag pagkain natransporma pagtatayo’y gawin,
Mabubuo ginto, pilak, mahalagang bato.
 
Bukid itinayo sa mga
batong mahal,
Pinanggalingan ng mahal
na perlas, Niyang Nobya.
8
Dukhain ‘spiritu, dalisayin puso namin
Lumago binhi ng buhay sa mabuting lupa,
Hanggang marating huling yugto at masyahan Ka
Mataglay Mo mahal, piniling perlas, ang Nobya.
 
Espiritu at puso
namin dalisayin
Nang paglago Mo sa’min
mai-bunga Iyong kab’yak.