Tatlong bahagi ang tao

B403 C537 CB742 E742 G742 K537 P345 R477 S314 T742
1
Tatlong bahagi ang tao,
Katawan, kal'lwa't 'spiritu,
Diyos tutupdin Kanyang plano,
Pamana Niya ay matanto.
2
Nasa labas ang katawan,
May pakiramdam sa mundo,
Tao'y nahayag sa laman,
Bagay materyal mahipo.
3
Nasa loob ang kalulwa,
Sarili niya'y makilala,
Bagay pansikolohiya,
Tao'y makauunawa.
4
Malalim ang espiritu,
Sa loob, Diyos ay matanto,
Diyos ay matanggap ng tao,
Bagay 'spiritwal mahipo.
5
Isip, pasiya, at damdamin
Ang bahagi ng kalulwa;
Sa tao'y mga tungkulin,
Nang maganap kanyang gawa.
6
Bahagi ng espiritu:
Budhi, andam, salamuha,
Kaugnay niya ang Diyos dito,
Diyos matanggap at masamba.
7
Kalulwa dapat sanayin
Lahat ng sa Diyos piliin,
Sa espiritu, tanggapin,
Sa katawan, Diyos dangalin.
8
Muling-pagsilang, 'spiritu
May buhay ng Diyos, dibino;
Kalulwa dapat mabago,
Katawa'y tulad kay Kristo.
9
Dahil sa gawang dibino,
Bawa't bahagi ng tao,
Sa Pangino'n nakihalo
Diyos inihayag nang buo.