Sa mga yaong muling sinilang

C535 CB739 E739 G739 K535 P342 R496 S311 T739
1
Sa mga yaong muling sinilang
Kaalamang panloob sagana;
Sa loob Diyos lubos makilala
Turong panlabas hindi kailangan.
2
Walang-hanggang buhay ay angkin
Ang buong kapasidad dibino,
Sa buhay na mataas, magaling
Kaalaman sa Diyos matatamo.
3
Sa ating isip, sa ating puso
Kautusan ng buhay sinulat
Naghaharing panloob sa atin
Higit kaysa turo Diyos kilanlin.
4
Sa ‘ting espiritu’y nananahan
Pagpapahid banal, Diyos nalaman
Bagay ng Diyos sa isip at puso
Mas higit pa sa turo ng tao.
5
Tres-unong Diyos sa ‘tin nananahan,
Buháy, kumikilos, gumagawa,
Na sa panloob na kamalayan
Batid dakilang kahalagahan.
6
Dunong, husay sa pagsasalita
Pinapawi ng buhay panloob,
Sa espiritu’y mamuhay dapat
At lumakad sa diwang panloob.
7
Sa lalong pamumuhay kay Kristo,
Gawi’y panloob buhay dibino,
Dunong na panloob kamtan tunay
Maukit Anak Niya sa ‘ting puso.
8
Sa tinamong buhay na panloob
Salamuha sa Diyos panghawakan
Sa natagong kaalaman kamtan
Kapuspusan ng Diyos mabubuksan.