Pag di napiga'ng oliba

B372 C458 CB626 D626 E626 G626 K458 P320 R453 S295 T626
1
Pag di napiga'ng oliba,
Langis ay wala;
Alak man hindi makuha
Sa ubas di napisa.
Nardong kung kukuyumusin,
Samyo'y kakalat;
Ako'y di ba daraan din
Sa nilaan Mong hirap?
Bawa't pagd'rusa
Ay pakinabang;
Kung anumang Iyong kinuha,
Kapalit Ikaw lamang.
2
Ibig Mo akong iunat
Nang magkahimig?
Upang tumamis ba'y dapat
Magdusa sa pag-ibig?
Kung kailan may kabiguan
Pagsinta'y 'batid?
Lugi'y di ko katakutan
Kung Ikaw ay malapit.
3
Hiyang-hiya sa sarili't
'Ko'y maka-aka,
Kahit sa Iyo nagpaukit,
Napilitan lang ako.
Maari bang gumawa Ka
Ayon sa Iyong lugod?
Damdamin ko'y walang bisa,
Ikaw ang masusunod.
4
Kung ang lungkot at galak Mo
Sa 'ki'y di tugma,
Kung sa ikalulugod Mo,
Payag akong magdusa.
Nasa ko ang Iyong ninasa,
Mahirap man 'to,
Sa Iyong l'walhati't ligaya,
Krus ma'y papasanin ko.
5
Kahima't ang aking awit
Kahalo'y tangis,
'Ko'y sa Iyo muling pupuri,
Ikaw ay anong tamis!
Higit ngang mahalaga Ka
Sa lahat-lahat;
'Ko'y bumawas, dumagdag Ka,
'Tong dalangin kong tapat.