Kristo'y obhektibo at subhektibo

B310 C398 CB536 E536 G536 K398 P263 R382 S239 T536
1
Kristo'y obhektibo at subhektibo,
Sa langit obhektibong nagsumamo;
Nanahang subhektibo sa sangkap Niya,
Panloob, binibigay sarili Niya.
2
Sa langit sa kanan ng Diyos, naupo,
Saserdoteng Mataas dala'y dugo;
Aming Tagapamagitan sa langit,
Tagapanagot, sa 'min umiibig.
3
Espiritung nasa 'ming espiritu,
Bilang aming buhay lahat dala Niya;
Bawa't oras Siya'y lakas at biyaya,
Tagaaliw, at tustos ng lakas Siya.
4
Para sa 'kin nal'wahating Tao Siya,
Sa langit pumasok, Tagapanguna;
Balak ng Diyos, 'sinakatuparan Niya,
Tao'y dinala sa Diyos nang magkai-sa.
5
Nanahan ang kapuspusan sa Kanya,
Sa lo'b bilang 'Spiritu, Diyos dinala;
'Pinahayag sa 'tin Diyos ay totoo,
Tayo't Diyos hinalo sa pagtatayo.
6
Obhektibong Kristo 'akyat sa langit,
Hindi lalaon sadya Siyang babalik;
Subhektibong Kristo nanahan sa 'kin,
Di lalaon katawan ko'y babaguhin.
7
Darating lupa't langit magkasama,
Sa lunsod banal Diyos, tao nagkai-sa;
Ang obhektibo at ang subhektibo,
Walang hanggang naihalo't kumpleto.