Bukal ng buhay nalapitan

CB523 Cs250 E523 P257 R376 T523
1
Bukal ng buhay nalapitan,
Bukal sa kaitaasan;
Elim ng pag-ibig hantungan.
Lipas tubig ng alitan.
Balong makalangit nainom
Sa loob ko’y bumabalong
Mang-aaliw dala’y galak.
Di-masambit, di-masukat.
 
Bukal ng Buhay lapitan,
Kailanman di-matutuyo,
Saganang tustos inuman
Bukal ng buhay si Kristo.
2
Bukal ng dugo’y nalapitan,
Sala’t dumi’y dinaluyan;
Kasalanan ko’y nahugasan
Tulad n’yebe kasuotan.
Katwiran ko’y di-ibibilang
Kay Hesus sa ‘ki’y nanahan.
Kanyang dibinong kalikasan,
Bahagi ko’t kasakdalan.
3
Walang hanggang nalapitan ko,
Isang Bukal ng Kalusugan;
Sikreto ng dunong ng tao
Di matuklas, mabayaran.
Sa agos sa tagiliran Niya
Poon ko lihim hinayag.
Hapdi ng latay nalunasan
Nang Siya mismo ay manahan.
4
Bukal ng Galak nalapitan,
Galak Niya puso’y kalakasan
Walang halo ang kasiyahan,
Sinag ko ay di-maparam.
Puno ng igos malanta man
Aliw, pag-asa’y mawalan,
Nguni’t di-matuyo kailanman—
Mga bukal kagalakan.