1
Kay Adam ay kamatayan at sala,
Buhay at kat'wiran ay kay Kristo nga;
Sa laman si Adam ang nabubunyag,
Si Kristo sa 'spiritu nahahayag.
Buhay at kat'wiran ay kay Kristo nga;
Sa laman si Adam ang nabubunyag,
Si Kristo sa 'spiritu nahahayag.
2
Kay Adam sa kamatayan ang punta,
Di man magkasala'y nahatulan na;
Kay Kristo ako'y inaring-matuwid,
Hindi na kailangang magpakatuwid.
Di man magkasala'y nahatulan na;
Kay Kristo ako'y inaring-matuwid,
Hindi na kailangang magpakatuwid.
3
Kusa kong maihahayag sa laman,
Ang pagkamakasalanan ni Adam;
Walang hirap sa Espiritu Santo,
Na ako'y mamuhay gaya ni Kristo.
Ang pagkamakasalanan ni Adam;
Walang hirap sa Espiritu Santo,
Na ako'y mamuhay gaya ni Kristo.
4a Sa kamatayang kalakip ni Kristo,
Mula kay Adam napalaya ako;
Sa kabuhayang kalakip ni Kristo,
Ang bagong buhay ay aking natamo.
Mula kay Adam napalaya ako;
Sa kabuhayang kalakip ni Kristo,
Ang bagong buhay ay aking natamo.
4b Walang magagawa ang lumang Adam,
Kung wala ang pag-iisip sa laman;
Pagtuon ng isip sa espiritu,
Buhay dibino'y napatunayan ko.
Kung wala ang pag-iisip sa laman;
Pagtuon ng isip sa espiritu,
Buhay dibino'y napatunayan ko.
5
Pagtuon ng isip sa espiritu,
Kaligtasan ng Diyos ang daang ito,
Maihayag ko ang buhay ni Kristo;
Tagumpay sa sala magagawa ko.
Kaligtasan ng Diyos ang daang ito,
Maihayag ko ang buhay ni Kristo;
Tagumpay sa sala magagawa ko.
6
Pagtuon ng isip sa espiritu,
Krus at muling pagkabuhay batid ko;
At aking naibubuhay si Kristo,
Ang dulot ay paglago sa buhay ko.
Krus at muling pagkabuhay batid ko;
At aking naibubuhay si Kristo,
Ang dulot ay paglago sa buhay ko.
7
Sa espiritu, si Kristo ang buhay,
Pagpapala't kalakasan ay taglay;
Kabanala'y aking nararanasan,
Tres-unong Diyos naging katotohanan.
Pagpapala't kalakasan ay taglay;
Kabanala'y aking nararanasan,
Tres-unong Diyos naging katotohanan.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?