1
Kami'y tinawag Mo, Diyos
Nang masdan Iyong Anak
Siya ang mahal Mong lubos
At Iyong kalooban;
Sa tanging kayamanan
Sarili'y binuhos,
Pag-ibig Mo'y makamtan,
Naising magtubos.
Nang masdan Iyong Anak
Siya ang mahal Mong lubos
At Iyong kalooban;
Sa tanging kayamanan
Sarili'y binuhos,
Pag-ibig Mo'y makamtan,
Naising magtubos.
2
Ama—O Diyos ng awa!
Aming karapatan,
Maningning na pag-asa,
Mula sa Iyong ngalan:
Ang himig na Iyong nais
Na laging marinig,
Kami'y malayang labis
Sa sala at nginig.
Aming karapatan,
Maningning na pag-asa,
Mula sa Iyong ngalan:
Ang himig na Iyong nais
Na laging marinig,
Kami'y malayang labis
Sa sala at nginig.
3
Tao'y natatakot na
Diyos di makalimot;
Nguni't sala'y limot na
Sa bayad na dulot.
Wala nang kalayaan
Sa 'ting kaluluwa,
Kundi ang kamatayan
N'yaong Sinisinta.
Diyos di makalimot;
Nguni't sala'y limot na
Sa bayad na dulot.
Wala nang kalayaan
Sa 'ting kaluluwa,
Kundi ang kamatayan
N'yaong Sinisinta.
4
Walang poot sa puso
Ng Diyos tungo sa'tin,
Pangamba ay nagupo,
Pag-ibig Niya'y kamtin;
Alibugha'y hinagkan,
Damit ay 'sinuot;
Ganap Niyang pag-ibig ang
Nagtanggal ng takot.
Ng Diyos tungo sa'tin,
Pangamba ay nagupo,
Pag-ibig Niya'y kamtin;
Alibugha'y hinagkan,
Damit ay 'sinuot;
Ganap Niyang pag-ibig ang
Nagtanggal ng takot.
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?