O Ilaw ng ilaw

B211 C278 CB359 E359 K278 T359
1
O Ilaw ng ilaw!
Sa puso'y tumanglaw,
Ang sala ng gabi
Ikaw ang magpawi.
 
Ilaw higit sa tanan,
Sa puso manahan;
Galak, lungkot pinawi,
Sa puso lumagi.
2
Galak ng ligaya,
Ang lungkot ng sala,
Ay Iyong tapusin na,
Likhain payapa.
 
Ilaw higit sa tanan,
Sa puso manahan;
Galak, lungkot pinawi,
Sa puso lumagi.
3
Buhay ng buhay nga,
Kam'tayan ng sala;
Ngayon ay alisin,
Puso ko'y buhayin.
 
Ilaw higit sa tanan,
Sa puso manahan;
Galak, lungkot pinawi,
Sa puso lumagi.
4
Pag-ibig ng Sinta,
Ang ugat ng sala,
Putulin, tuusin,
Puso ko'y baguhin.
 
Ilaw higit sa tanan,
Sa puso manahan;
Galak, lungkot pinawi,
Sa puso lumagi.
5
O langit ng langit,
Ulap ay pawiin,
Gulo ay tapusin,
Langit pababain!
 
Ilaw higit sa tanan,
Sa puso manahan;
Galak, lungkot pinawi,
Sa puso lumagi.
6
Diyos at Pangino'n ko,
Manahan sa puso;
Mayamang presensya,
Aking matamasa.
 
Ilaw higit sa tanan,
Sa puso manahan;
Galak, lungkot pinawi,
Sa puso lumagi.
1
jandessa

Palawan, Palawan, Roxas, Philippines

ang ganda ng o ilaw nyo gRabe!!!