Pag-ibig na humihigit
Pag-ibig na humihigit
1
|
Pag-ibig na humihigit, Sa lupa mula langit; Nananahan sa 'king dibdib, Premyo ng 'king panalig. Pangino'n ang kahabagan, Pagsintang walang hanggan, Dala Mo ang kaligtasan, Sa puso ko tumahan. |
2
|
Pangino'n, hingahan ako, Ng Banal Mong 'Spiritu; Nang mabahagi yaman Mo, Tamasa Iyong pangako. Alisin nasa sa sala, Nang ako'y mapalaya, Makilala Kitang lubos, Bilang buhay, panustos. |
3
|
Makapangyarihang Isa, Bigyan akong sagana Ng buhay Mo at presens'ya, Sa templo Mo tumira. Ngalan Mo papurihan ko, Paglingkod mapasa Iyo, Walang patid na dalangin, Ikaw Mismo purihin. |
4
|
Bagong nilikha'y yariin, Puro't walang dungis din; Kaligtasan natamasa, Sa Iyo mapapagaya. Binabago, natransporma, Glorya dagdag sa glorya, Hanggang sa kal'walhatian, Ikaw ay papurihan. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?