Sa tinapay at sa saro

B119 C181 CB227 D95 E227 G227 K181 P116 R308 S102 T227
1
Sa tinapay at sa saro
Kamatayan Mo'y hayag,
Ang pag-ibig at gawa Mo,
Halaga'y ibinunyag.
Tinapay bukod sa saro,
Tinanghal kamatayan,
Sasamba ang espiritu,
Ikaw ay papurihan.
 
Pagdurusa sa Iyo,
Ang biyaya'y akin,
Ang pag-ibig at gawa Mo
Dapat purihin.
2
Nagmahal at nagdugo Ka,
Nang ako'y mapasa-Diyos,
Ang hadlang ay inalis na,
Diyos makita kong lubos.
Katuwiran, kabanalan,
Natupad kahilingan,
Dahil sa Iyong kamatayan,
Sa Diyos makakatahan.
 
Pagdurusa sa Iyo,
Ang biyaya'y akin,
Ang pag-ibig at gawa Mo
Dapat purihin.
3
Tabing ay lamp'san patungo
Sa kabanal-banalan,
Namatay Ka't binuksan Mo
Daan sa Iyong luklukan;
Matamo biyaya't awa,
Siyang tulong sa kailangan,
Inumin tubig ng buhay,
Kamtin ang Kanyang yaman.
 
Pagdurusa sa Iyo,
Ang biyaya'y akin,
Ang pag-ibig at gawa Mo
Dapat purihin.
4
Dahil sa Iyong katubusan,
Saserdote na ako,
Natamasa ko Iyong yaman,
Diyos paglilingkuran ko.
Bunga ng kamatayan Mo -
Pagpapala't biyaya;
Hanggang sa pagbabalik Mo,
Gugunitain Kita.
 
Pagdurusa sa Iyo,
Ang biyaya'y akin,
Ang pag-ibig at gawa Mo
Dapat purihin.