Panginoon, sa hapag Mo

B113 C178 CB221 D221 E221 F36 G221 K178 P115 R163 S97 T221
1
Panginoon, sa hapag Mo,
Pasalamat ko'y taos;
Sa tinapay at sa saro,
Pagtatamasa'y lubos.
Ang sagisag na tinapay
Katawan Mong in'alay;
Sa dugong Iyong pinadaloy,
Saro ang nagsasaysay.
 
O, banal na dulang!
Saro at tinapay;
Ang kahuluga'y kay yaman,
Hindi masaysay!
2
Sa kamatayang nagtubos
Buhay Mo'y naibigay,
Sarili Mo'y ibinuhos
Nang lahat Mo'y mataglay.
Sa tinapay at sa saro
Kamatayan tinanghal,
Kumain, uminom sa Iyo
Alaala Ka, Mahal.
 
O, banal na dulang!
Saro at tinapay;
Ang kahuluga'y kay yaman,
Hindi masaysay!
3
Ang tinapay sinagisag,
Katawan Mong mistika;
Lahat ng Iyong mga sangkap,
Buklod nagkakaisa.
Sa saro ng pagpapala,
Ating pinagpapala;
Dugo Mo'y may salamuha,
Sa nanampalataya.
 
O, banal na dulang!
Saro at tinapay;
Ang kahuluga'y kay yaman,
Hindi masaysay!
4
Ikaw ang aming bahagi,
Kay tamis nang matikman;
Sa Iyo'y naghihintay kami,
Maging sa kaharian.
Pagdating Mo Iyong kasama,
Mandaraig na banal;
Sa Iyo muli magpipista,
At sa Iyo pakakasal.
 
O, banal na dulang!
Saro at tinapay;
Ang kahuluga'y kay yaman,
Hindi masaysay!