Biblia'y nagsaad, tao'y nilikha

CB1144 Cs251 E1144 G1144 T1144
1
Biblia'y nagsaad, tao'y nilikha
May wangis ng Diyos—pahayag Niya,
Makapangyarihan siya sa lupa,
Tupdin ang Kanyang panukala.
 
Wangis, wangis,
May wangis ng Diyos—siya'y nilikha
Wangis, wangis,
Tupdin ang Kanyang panukala.
2
Walang iniutos maliban sa:
"Lahat ng puno'y makakain;
Huwag lang ang puno ng buti't sama,
Tiyak mamamatay kung kainin."
 
Kaalaman,
Bunga niya'y hindi makakain;
Kaalaman,
Bunga niya'y di dapat kainin.
3
Puno ng buhay sa halamanan,
Diyos Mismo ang puno ng buhay.
Nguni't Satanas, ang manlilinlang,
Tinukso ang tao't tinangay.
 
Siya'y natisod,
Nakamamatay ang kinain.
Siya'y natisod,
Tao ay kailangang bawiin.
4
Si Hesus ngayo'y puno ng buhay,
Sa pagtubos nilugod ang Diyos.
Bagong buhay sa tao'y 'binigay,
Tao'y makakain nang lubos.
 
Hesus, Hesus,
Si Hesus ay masarap kanin,
Hesus, Hesus,
Tunay na inumi't pagkain.
5
Hesus di nagbigay ng k'alaman,
Kaalama'y nagpapalalo.
Hesus Mismo ay isang handaan,
Nang tao'y mabusog, mapuno.
 
Tanggapin Siya,
Nakalulugod, mal'walhati.
Tanggapin Siya,
Puno ng buhay, iyong bahagi.
6
Kanin si Hesus, tayo'y lalago,
Buhay at bilang maragdagan.
Pagbawi ng Diyos, dapat matanto,
Di relihiyon, Kristo'y handaan.
 
Kainin Siya,
Kristo ang buhay at pagkain,
Kainin Siya,
Ang kumain—mabubuhay rin.
7
Ngayon, nang maibuhay si Kristo,
Di dapat magkulang sa kain,
Mga ekklesia'y maitatayo,
Kristong kasintaha'y darating.
 
Kain, kain,
Di dapat magkulang sa kain,
Kain, kain,
Kristong Kasintaha'y darating.