Hesus, aking pinili
Hesus, aking pinili
1
|
Hesus, aking pinili, Siya ang aking lahat; Pag-ibig Niya sa aki’y Dakila at sapat; Ako’y Kanyang sisidlan, Siya ang nilalaman; Ang aking kasiyahan— Hesus lamang. |
Hesus, Hesus ang aking pinili, Sa matamis na batisan ako’y mamalagi; Hesus, Hesus, kasiyahang tangi, Pinatahimik Niyan’ng aking hiling at lunggati. |
|
2
|
Hesus, Hesus kong hirang, Siya ang ligaya; Kahit may kalungkutan, Aawit pa ako; Kailan man ay pupuri, Kung may Hesus lamang; Siya ang aking l’walhati, Kagalakan. |
Hesus, Hesus ang aking pinili, Sa matamis na batisan ako’y mamalagi; Hesus, Hesus, kasiyahang tangi, Pinatahimik Niyan’ng aking hiling at lunggati |
|
3
|
Hesus, Hesus kong hirang, Siya ang pag-asa ko; Ang mana Niya’y kay yaman, Hindi ko matanto; Tagapagligtas ko Siya, Sa lahat Siya’y higit; At puso ko’y nagpasiya Siya’ng makamit. |
Hesus, Hesus ang aking pinili, Sa matamis na batisan ako’y mamalagi; Hesus, Hesus, kasiyahang tangi, Pinatahimik Niyan’ng aking hiling at lunggati |
|
4
|
Hesus, aking pinili, Panginoon ko Siya; Di mabigkas ng labi Yaring pag-ibig Niya; Sarili ko’y ialay, Siya’y aking lugurin, Nang hindi Siya malumbay, Siya’ng susundin. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?