‘Spiritu’y pighatiin ko ba

C206 E8206 Tc206
1
‘Spiritu’y pighatiin ko ba?
Manlamig, magpabaya?
Sa di ko pagbalik at sala
Hindi Ka pa nagsawa!
 
Higit na ‘spiritu iagawad,
Mag-alab at suminag;
Nang panalangi’y walang patid,
Buhay sa ‘ki’y ihatid.
2
‘Spiritu’y mat’yagang nag-abang,
Sa puso kong mabuksan;
Pag-ibig Mo tinanggihan ko,
Nagdugo ang Iyong puso.
3
‘Spiritu Mo’y sa’kin tumira,
Pangino’n ko na Siya;
Maging ang mumunti Mong utos
Susundin ko nang lubos.
4
Kahit di pa ‘ko makaibig,
Tulad sa Iyong pag-ibig;
Sa lo’b ko’y ningas paalabin,
Wala nang lamig, dilim