Ngalang Hesus ang saligan

C642 CB887 D887 E887 G887 K642 LSM261 R638 T887
1
Ngalang Hesus ang saligan,
Siya’ng ating tagumpay;
Sarili ay huwag asahan,
Huwag sa lakas, husay;
Tabak ng ’Spiritu’y kunin,
Di armas ng laman;
Baluti ng Diyos ay damtin,
Lipulin kalaban.
2
Nagtitipon ang kalaban,
Magpakatibay ka!
Sa mabagsik na labanan,
Kay Kristo umasa!
Kung matakot, umurong ka,
Hukbo’y madaramay;
Huwag hiyain ang kasama,
Huwag kang manlupaypay.
3
Gahol sa oras ang Diyablo,
Lalong mabangis siya,
Pahihinain ka bago
Laban magsimula.
Panlilinlang, dusa’t tukso
Higit kaysa dati,
Hades mag-uusig sa iyo
Nang lalong matindi.
4
Anong saloobin kaya
Ang dapat mataglay?
Tayo’y magpakalayaw ba,
Matalo ng ka’way?
O magtiis pa ng dusa?
Dito pagpasiyahan
Buhay o kamatayan ba?
Gantimpala’y kamtan?
5
Kaya’t magpakatibay ka;
Nagtagumpay Hesus.
Tiisin mo’ng bawa’t dusa
Hanggang sa matapos.
Magbabalik na si Hesus,
Laban ay mapawi;
Magdusa para kay Hesus,
Ika’y maghahari.