Poon, ginuhit Mong plano

C609 CB838 E838 K609 T838
1
Poon, ginuhit Mong plano,
Hayag ang tabernakulo,
Kami’y nais Mong itayo,
Mahayag ang l’walhati Mo.
2
Sentro ng tolda’y ang kaban,
Tolda’y lugar-pahingahan;
Sampung utos nasa kaban,
At sa tolda’y nakatahan.
3
Kaban: sagisag ni Kristo,
Ang ginto’t kahoy, Diyos-tao;
Utos kahayagan ng Diyos,
Kay Kristo’y nanahang lubos.
4
Kristo’y sentro ng ekklesia,
Na siyang pahingahan Ni-ya,
Na kay Kristo nga ang Ama,
Ang ekklesia’y tahanan Niya.
5
Ang tolda’y kabang lumago
Kahoy binalot sa ginto;
Ekklesia’y lumaking Kristo,
Diyos sa tao naihalo.
6
Mga pansuportang tabla,
Nakatindig sa pilak nga;
May ginintuang argolya,
At pangkawing barakila.
7
Tinipong banal—Ekklesia,
Pagtutubos tuntungan niya;
Sa lo’b ng buhay dibino,
Nagkalapat naitayo.
8
Ang apat-na-susong takip,
Kristo’y ipinahiwatig;
Kristo naglahad l’walhati,
Sa tahanan Siyang nagtakip.
9
Natakpan ng gayong Kristo,
Banal nalapat, natayo;
Tamasa tanang Ano Siya,
Maitayo sa loob Niya.
10
Kautusa’y nasa kaban,
Kaban nasa tolda naman;
Diyos kay Kristo sa Ekklesia
Tinanghal ang l’walhati Niya.