Puso’y gutom, espiritu’y uhaw

B424 C586 CB811 E811 F144 G811 K586 P370 R130 S343 T811
1
Puso’y gutom, espiritu’y uhaw,
Panginoon, Ikaw ang pangtighaw;
Tanging Ikaw ang aking kailangan,
Kasagutan Ka at kasiyahan.
 
O Panginoon, samo’y dinggin,
Gutom at uhaw, Iyong pawiin;
Tuwa’t kalakasan, Iyong lubusin,
Pagtatamasa’y mapasa ’kin.
2
Pagkain Ka at tubig ng buhay,
Dulot sa ’kin ay lakas na tunay;
Nais Kitang inumin at kanin,
Sa pagbabasa’t pananalangin.
3
Salita ka’t kapuspusan ng Diyos,
Diyos sa Espiritu’y aking tustos;
Sa Salita’y pagkaing kay yaman,
Espiritu’y tubig na nakamtan.
4
Pagkain Kang bumaba sa langit,
Naging inumin sa dusa’t sakit;
Bilang pagkain, yaman Kang tustos,
Bilang inumin, batis Kang lubos.
5
Sa Salita’y Espiritu’t buhay,
Aking pagkain upang mabuhay;
Espiritu’y sa ’kin nananahan,
Sa espiritu Siya’y nakakamtan.
6
Nang matamasa’y lalapit sa Iyo,
Sa Salita Mo’y kakain ako;
Sa espiritu’y babaling sa Iyo,
Upang uhaw ko’y matugunan Mo.
7
Hesus, sa pag-inom ko’t pagkain,
Sa pagbabasa’t pananalangin;
Basa’t dalangin, inom at kain,
O, Panginoon Ikaw ay akin.
8
Ngayon Ika’y aking kagalakan,
Espiritu’t Salita’y kakamtan;
Nawa’y Ikaw palagi ang pista,
Kapuspusang aking matamasa.