Salitang naging laman
Salitang naging laman
1
|
Salitang naging laman, Anong karunungan! Takdang katotohanan, Ilaw sa karimlan, Sinag Mo’y tinatanghal; Sa pahinang banal, Tanglaw sa bawat hakbang, Ningning walang hanggan. |
2
|
Tinanggap ng ekklesia, Dibinong kalo’b Niya, Itinaas niyang ilaw, Sa lupa’y tumanglaw; ’To’y kublihan ng yaman Na katotohanan; Salitang buhay: Kristo ’Nilarawan nito. |
3
|
Hukbo ng Diyos kaharap Gaya’y ’sang watawat; Parolang nagniningning, Sa mundong madilim; Ito ri’y karta’t gabay Sa dagat ng buhay, Giya tungo kay Kristo, Daan ma’y mabato. |
4
|
Gawing patungang ginto, Ang Ekklesia Mo, Nang magsilay ng ilaw Sa lahat tumanglaw; Manlalakbay turuan, Nitong wastong daan, Hanggang dilim magwakas, Iyong mukha’y mamalas. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?