Panalig awitin

C562 CB778 E778 K562 T778
1
Panalig awitin,
Gabi ma’y madilim;
Kung pupuri, Diyos gagawa
Hiling mo’y makuha.
2
Panalig awitin,
Diyos aking purihin;
Nalugod ang Diyos sa papuri,
Madilim man gabi.
3
Awiting panalig,
Dyablo’y manginginig;
H’wag ipatikom iyong bibig,
Papuri’y pandaig.
4
Awiting panalig,
Patuloy na himig;
Hanggang sa bukang-liwayway,
Pangino’n masilay.
(Ulitin ang huling linya ng bawa’t saknong)