Nagtipon nanalangin
Nagtipon nanalangin
1
|
Nagtipon nanalangin, Nagkaisa Kang hanapin; Saserdote nga kami Nakabantay sa Hari. |
Sa aming panalangin, Mabuti Mo’y hipuin; Ming ’Spiritu’y maghalo Ekklesia’y maitayo. |
|
2
|
Magpakasaserdote, Nasa ’spiritu lagi; Batid Iyong kalooban, Layon may katuparan. |
3
|
Sa kabanal-banalan Hipo’y b’yayang luklukan; ’Spiritu Mo sa amin, Patuloy paraanin. |
4
|
Sa luklukan ng awa, Daloy ilog ng b’yaya; Hanggang sa ’spiritu ko, Tulong aking natamo. |
5
|
Nawa’y aming dalangin, Bigkas ng Iyong damdamin; Di ayon sa sarili, Kundi sa Iyo ang hingi. |
6
|
Kahit maraming bagay, Dapat sa Iyo isaysay, Nguni’t Iyong ka-i-langan Di dapat maunahan. |
7
|
Nawa kami’y pakinggan, Tubig ng buhay bigyan; Busugin sa biyaya Tupdin namin Iyong gawa. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?