Panalangi’y tunay na insenso

B410 C552 CB762 E762 K552 T762
1
Panalangi’y tunay na insenso,
Sa Diyos mula sa basag na tao;
Pinal’yab ng Espiritu Santo,
Hinatid ng pananalig sa Diyos.
2
Panalangi’y espesia ng b’yaya,
May pananalig, pag-ibig, dusa
Nakubli sa mabangong salita
Langhapin ng Diyos, Siya’y mapahanga.
3
Panalangin ay singaw ng tubig,
Pumailanglang upang bumalik;
Bilang ulan upang mabuhusan,
Lahat ng disyertong natuyuan.
4
Panalangi’y tila telepono,
Ang langit at lupa’y magkatagpo;
At sa pandinig ng ating Ama,
Maibubuhos pasani’t dusa.
5
Panalangi’y tila telegrapo,
Pinailanlang pananaing ko;
Puso ng Diyos matagpua’t dalhin
Tugon sa panalig, pag-ibig din.
6
Panalangi’y ginintuang tubo,
Pinunan ng langis ng ’Spiritu;
Nang nagkakaisa sa dalangin,
’Spiritu, tayo’y kapupunuin.
7
Panalangi’y pinakamalakas,
Kapangyarihang hindi mabigkas;
’Pagkat ito’y dinamita ng Diyos,
Dakilang kamay napapakilos.
8
Turuan Mo akong manalangin,
Nang buong tao ko’y pakilusin;
Mahayag nang Kristong nasa lo’b ko,
Nanalangin sa langit na Kristo.
9
Turuan Mo kaming manalangin,
Kalooban Mo’y ihayag sa amin;
Diyos sa loob ko’t Diyos sa langit nga,
Nagtutugunan sa salamuha.