Kamataya’y hindi makapigil

B377 C472 CB639 E639 F127 G639 K472 P325 R460 S298 T639
1
Kamataya’y hindi makapigil,
Sa buhay ng pagkabuhay-muli;
Ito’y di-nilikhang buhay ng Diyos,
Ito’y si Kristo, buhay nagwagi.
2
Kamataya’y hindi makapigil,
Kahit lahat niyang lakas itanyag;
Binigyan lamang pagkakataon
Ang pagkabuhay lalong mahayag.
3
Di masupil—pagkabuhay-muli,
Kung ilibing lalong lalaganap;
Lahat ng dusa’y nagpapalago,
Nagpapabunga, sagana’t ganap.
4
Di masupil—pagkabuhay-muli,
Giniba niya ang lahat ng hadlang,
Karimlan at Hades ay dinaig,
At nilipol yaring kamatayan.
5
Di masupil—pagkabuhay-muli,
Kapuspusan ng Diyos inihayag;
Kat’wiran, kabanala’y ’binunga,
Mal’walhating wangis ibinunyag.
6
Nawa’y malaman ko’ng pagkabuhay,
Sa kamatayan siyang ipaglaban,
Walang iba kundi Kristong buhay,
Pagkabuhay sa ’king karanasan.